"At hindi Ka lumayo.. Nung ako'y yung sumusuko" ♪♬
Ang sarap sa pakiramdam ng ganyan no? Yung kahit anong mangyari may isang taong hindi ka lalayuan at iiwan kahit pa sukuan mo yung sarili mo.
Kaya lang sa mundong meron tayo
Isang beses kalang napagod,
Isang beses kalang sumuko,
Isang beses kalang bumitaw,
Isang beses kalang umayaw,
Hinayaan kana agad..
Sheket yorn? Wala eh, ganun sa tao. Nasusukat lang sa isang beses kumpara sa maraming pagkakataon kang kumapit at lumaban.
But let me tell you this. The God that I know --who never gives up.
The Lord of all Lords, kahit kelan hindi mo mararamdamang naiwan ka, na napagod sayo, na binitawan ka. Hindi ka lalayuan at lalong hindi ka hahayaan.
Kaya I firmly believe na kapag na kay Lord ka,
matatagpuan mo din yung Pag-ibig na kaya kang ipaglaban.
"At nagbago ang mundo.. Nung ako'y pinaglaban Mo" ♬♪
Grabe, nakakaiyak.. hanap tayo ng hanap ng mga taong lalaban para sa atin, hintay tayo ng hintay sa mga taong ni sa sarili nila hindi sila sigurado. Tanong tayo ng tanong kung kelan natin matatagpuan at kelan tayo matatagpuan ng para sa atin.
Pero ang totoo, matagal na tayong pinaglalaban, matagal na tayong hinihintay. Matagal ng may sigurado at yun ay ang katotohanang bago tayo naghanap.
NATAGPUAN NA TAYO ♥
No comments:
Post a Comment