Dear "The rest of my life",
It's 1am today and still talking to God sa mga bagay na pinapagawa nya sa akin because I am entering a new journey of my life now. Kinakausap ko sya mga bagay na kinikwestyon ko sa sarili ko kasi alam kong mahina ako at may mga limitasyon at hindi ko lubos maisip kung "Bakit ako" ako na hindi kaya yung sarili, di magaling magsalita, mahiyain at lampa pero alamo madaming ipinaalala sa akin ang Lord patungkol sa Pagmamahal nya sakin at yun yung naging daan sa pagtugon ko sa pagtawag nya. Yung pagamamahal at biyaya nya sobra sobra —para tanggihan ko siya kaya kahit andami kong takot o paghihinala sa sarili ko alam kong isusustain nya ako at tatapusin nya ang yugto ng buhay ko ng naaayon sa kung anong gusto nya akong maging para sa kanyang kaharian at para sa kanyang Pangalan.
Kamusta kana? I hope you're doing okay at kung hindi sorry dahil wala ako sa tabi mo para damayan ka, para pakinggan ka o para yakapin ka. I guess way ito ni Lord for you to know Him and seek Him more para marealize mong walang ibang gagamot sayo kundi siya, para maisip mong walang magpapatahan sayo kundi siya. Walang ibang kokompleto sayo, kundi siya... SIYA na hindi napapagod, hindi nauubos at hindi nagbabago.
I want you to know that I am making an effort to be the right woman for you. I am embracing my season now, the forming, the pruning and the molding at lahat ng mga bagay na gustong gawin ni Lord sa buhay ko, niyayakap ko kasi alam kong para yun sa ikabubuti ko -- tutulungan ako nung maging isang babaeng pangarap nya para sakin. SANA IKAW DIN, sana ikaw din hinahayaan mo syang matupad yung kalooban at pangarap nya para sayo.
Minsan diko maiwasang mag isip kung nag eexist kapa ba talaga, baka kasi wala ng katulad mo --Yung pinagpipray ko hehe pero siguro naman buhay kapa at kung sakali man. Gusto kong malaman mo na I am so full of the Love of Jesus na hindi ko mahintay yung tamang panahon na ma-iishare ko yun sayo. Hindi ko mahintay yung tamang panahon na yung pinagdadasal ko ay katabi at kasama ko ng magdasal para sa ibang tao. Hindi ko mahintay na magkaroon ng kasamang mahalin ang dakilang Diyos na meron tayo. Pero syempre hihintayin padin kita at kung nasaan ka man ngayon, Please magparamdam kanaman Hahaha!
I won't compromise. I won't settle and I'll make sure na yung paghihintay na ito ay magiging isang testimony sa ibang tao kung gaano kamakapangyarihan ang panalangin --na may totoong Pag-ibig na kayang maghintay, magtiis at magparaya sakabila ng mahabang panahon (wow kala mo talaga) kaya kahit hindi ko pa nakikita, kahit hindi ko nararamdaman at kahit hindi ko naiintindihan alam kong darating ka. Darating ka at hindi ako maiinip..
When the time is right..
I know you'll come and find me
I know you'll come and find me
and I will be here waiting.
For now, I will hug you tight in my prayers
and know that You are loved forever 💕
Love,
Mariel. 🥀
No comments:
Post a Comment