Friday, July 17, 2020

YOUR LOVE HAS WON IT ALL






Sa buhay may (3) tatlong klase ka ng Pagmamahal na makikilala.. 
(Base sa mga nasaksihan ko)

Una ay yung kahit wala kang gawin Mahal ka parin,
Pangalawa ay yung kahit gawin mo lahat Pagmamahal mo ay hindi parin sapat.
At yung pangatlo ay yung kahit may gawin ka o wala, Mahalaga ka at mahal na mahal ka

Wala kapang pinapatunayan pinipili kana,
Hinuhuli mo pero paulit-ulit kang inuuna..

Tinatalikuran mo kapag malakas ka,
pero yumayakap sayo sa twing basag at mahina ka.

At masaya ako na lahat sila ay nakilala ko para malaman ano ba talaga ang kahulugan ng totoong Pag-ibig. 

Pero wala pading makakahigit sa pangatlo. 
Yung Pagmamahal na Puro at Totoo. 

Pagmamahal na hindi napapagod,
Hindi nauubos at hindi natatapos.

At ipinapanalangin ko na sana makilala at maranasan mo din yung Pagmamahal na yan dahil kapag nangyari yun di kana mabibiktima ng mababaw at pekeng Pag-ibig.

Hindi mo na nanaisin pang manghingi ng atensyon sa tao at lalong hindi mo mararamdamang may kulang pa sayo dahil si Kristo lang sapat na at higit pa..


HIGIT PA SOBRA.


No comments:

Post a Comment