Thursday, April 30, 2020

THE ONE THAT GOD ALLOWED






Dear "The rest of my life",

Hello, Kamusta ka? I am writing to you today kasi wala akong mapag sheyran ng saya, lungkot at kabutihan ng Lord sa buhay ko. For He preserved me just only for you (naks). Mag-thankyou ka sakanya pag nagkita na tayo kasi iningatan nya ko. Sinong mag aakala na ang dami ko ng naovercome dahil sakanya, nilayo nya ako sa mga maling tao, inalis nya ako sa lugar na hindi para sakin, pinrotektahan nya ang puso at isip ko at higit sa lahat binasag nya ako sa mga bagay na akala ko ay bubuo sa akin. All these years. All by His grace alone! 

Just so you know I have done my devotions. Kinausap ko na siya bago ikaw para alam ko kung pano uumpisahan and to assure I say the right words to you with love. I need Him so I can present myself very well lol. This is just an introduction so please bear with me. I have alot of things to say to you, madami akong gustong ikwento lalong lalo na kapag mag isa ako. Quarantine made a way for me to do this, see? Lahat may purpose si Lord and it's for our own good minsan hindi lang natin makita kasi nakafocus tayo sa magandang outcome lagi. Masanay kana sakin kasi lagi akong may takeaways sa mga bagay bagay because I love learning.

First of all, I don't have any idea kung sino ka. Although bata palang ako may preferences nako kung ano ang mga gusto ko sa makikilala ko. I started praying for "someone like" character, 3 years go.. I guess matured nako nun para maging firm sa gusto kong hingiin kay Lord. And to be honest, it's still the same prayer. The only difference is that I surrender my own desires, will and ways to the Lord. So meaning, if our paths will cross. It's not me who make it happen, it's not me who act or manipulates it. Hindi sya scripted at lalong hindi ko ipinilit. Wala ng hidden motive kasi I entrusted everything to Him. Again, I don't even know what you look like, I don't have any hint kung nakilala naba kita or never in my entire life at kung ano ang ginagawa mo sa buhay. But one thing is for sure, na kay "Lord" ka din naglilingkod at Mahal na mahal mo siya... higit pa sa kahit anong bagay sa mundo. 

Madami akong sinet na standard or so-called, "Biblical Principles" pagdating sa ipinagpipray ko na kahit kelan hindi mababali at alam kong si Lord ay hindi madamot pero alam nya din ang makakabuti sakin. So, whatever it is. I'll choose to obey not because He will give all the good desires of my heart, nor He's true to His promises but simply because I love Him, Mahal na mahal ko siya na kahit umabot sa puntong malulungkot ako sa mga bagay na pinapabitawan nya sakin, okay lang. Ganun ko sya kagusto iplease at iglorify SANA GANUN KADIN. 

I am excited to pray, serve and spend the rest of my life with you but for now, I will focus to keep on chasing Jesus, Support my family, Achieve my dreams, Love many people and Be the right person first, at the right place so when the time is right. The Lord will introduce you to me to fulfill His own beautiful purpose for US. 


I will remain faithful kahit wala kapa and 
I will always pray for you.
See you ♥


Friday, April 3, 2020

FINISH LINE






Ito ang alam ko 
Hindi magbabago ang pagtingin ko sayo

Kahit kung nasaan ako ay hindi ko gusto
Kahit nakakapagod ang takbo ng mundo
Kahit ang tagal ng mga pangako mo

Kahit ang daming dahilan para bumitaw
Sa kabutihan mo ako'y patuloy na mauuhaw

Maghihintay ako 
hanggang magkaroon ng kabuluhan ng lahat ng ito

Hanggang lahat ng ito ay magkatotoo
Ang lahat ng laban ay alam kong panalo
Dahil para sayo kahit kelan hindi ako natalo

Hindi nako natatakot o mapapagod tumakbo
Dahil sa Finish line, IKAW parin at AKO ðŸ’›