Tuesday, March 24, 2020

MAHIWAGA






Oh! Pag-ibig na mahiwaga
Hindi ko alam noon saan nagsimula
Biglang naramdaman ng walang ginagawa
Biglang dumating na parang himala


Dumaan kanaba sa punto ng buhay mo?
Na sa daming pagmamahal sa puso mo
Hindi mo na alam ang paglalagyan nito
Sobra sobra para mahalin ang maraming tao


Iba siguro talaga kapag sa Diyos nagmula
Kahit anong gawin ng kapwa pagmamahal ay di mawawala
Dahil sya mismo ang Pag-ibig
Nagbibigay buhay sa bawat himig


Ngayon ko napagtanto kapag ang Pag-ibig ay totoo
Wala kang makikitang pagkukulang sa bawat tao
Dahil kaya nitong magtiis at magparaya
Kaya nitong ibalik ang lahat ng mga nawawala 


At kaya nitong hilumin ang mga sugat na hindi nakikita...


Thank you Jesus!
For the love that's so Pure and so True!

No comments:

Post a Comment