Takot akong umalis sa lugar na hindi nako nag gogrow kahit masaya..
Takot akong humakbang palayo,
Takot akong hindi maging komportable
Takot akong malaman kung may sagot paba sa mga tanong na,
"Saan ako pupunta, Lord?"
"Saan mo ako dadalhin?"
"May paglalagyan paba ako?"
"May tatanggap paba sa akin?"
"Huli naba ang lahat para magsimula ulit?
Pero mas nakakatakot palang lumingon sa mga bagay na hindi mo nagawa nung may pagkakataon kapa.
Mas nakakatakot palang makita yung lugar na dapat andun kadin.
Mas nakakalungkot palang makita ang sarili mong nakatingin sa mga pangarap na dapat ay naabot mo kung hindi ka natakot.
At kung katulad mo din ako...
Gusto kong malaman mo na kasama mo si Lord sa lahat ng laban.
Alam nya kung saan ka dadalhin,
Alam nya kung para saan ka talaga,
Alam nya kung saan ka may halaga.
Alam nya kung saan ka dadalhin,
Alam nya kung para saan ka talaga,
Alam nya kung saan ka may halaga.
Alam nya ang sagot sa lahat at kung paano ka magsisimula ulit kahit ang ibigsabihin nito ay umalis kana sa lugar na hindi para sayo.
Joshua 1:9 "Be strong and courageous; Do not be afraid; do not be discouraged for the Lord your God will be with you wherever you go".
No comments:
Post a Comment